Saturday, January 28, 2012

P-O-S-E-R

Hindi ko maintindihan kung bakit merong mga taong sadyang papampam. Iyon bang nagpapakamatay makakuha ng atensyon. Gagawin ang lahat, sasabihin ang lahat, mapansin lang ng tao. Iyon bang kailangan alam ng ibang tao lagi ang bawat kilos nila.
In the social networking age, these people are known as posers. Magpopost ng kung anu-ano sa wall na kesyo ganito ang ginagawa nila, nasa ganito silang lugar, may bago silang ganito or wala lang. Basta lang kung anu-anong ipopost na status at pictures. Bawat kibot, bawat galaw ipopost. Kailangang ipaalam sa tao na nag-breakfast na sila, nag-lunch, nag-dinner...all those normal stuff that normal people do and that normal people doesn't give a damn about. It is all just a waste of space in cyberspace. Pampadagdag traffic lang sa mabagal na ngang traffic ng hits sa Facebook.

Meron naman kasi that posts photos of travels and special occasions in life to share to friends and relatives lalo na kung nasa abroad iyong ibang kamag-anak. Meron naman kasi na ang purpose eh para makapagyabang lang. Nakakainis lang kasi nafa-flood ang wall mo ng kung anu-anong post.

Meron pa nga away ng kabit at asawa sa Facebook. Gumawa ng pseudo account sa Facebook ang bitter na asawa na nakapangalan sa kabit ng asawa niya. Nagpopost ng photos at comments na puro paninira sa kabit. Public display of cheapness and lack of mental stability. Nabubuhay sa bitterness and she wants the whole world to know.

Nakakapikon kasi minsan iyong mga taong parang bawat segundo eh nagpopost ng ginagawa nila. Iyong parang kulang na lang pati pag-utot nila i-post sa Facebook. Tapos kapag may nagcomment sa kanila, sabay magpapatweetums at magpapahumble effect. O kaya naman ay magagalit kapag may bumasag sa trip nila.

Guilty rin naman ako sa pagpopost sa Facebook. Kasi nga di ba outlet din iyon. Pero kasi naging major commodity na ang Facebook sa cyberspace. Pati nga blogging sites eh. So expect na talagang anything you post in here, eh for public consumption. Kaya lang maging responsible naman din sana.

O kaya kung poser ka, wag kang pikon kapag may nag-comment sa iyo ng hindi maganda. Pinost mo kasi ang post na yan. Pangatawanan mo. Faceboo, Twitter, Tumblr, Blogger, Wordpress...lahat yan outlet natin. Lahat yan means of communication and self expression. Pero wag mapipikon kung may mga haters. Kasi you cannot please everybody.

Kung ayaw mo ng bad comment or kung ayaw mong may mambasag ng trip mo, keep these things to yourself. Wag mo na lang i-post. Do not wash your dirty laundry in public. Lalo na kung hindi ka naman artista, pulitiko or sikat na personality. Kung hindi ka naman din kagandahan di ba? Nagsasayang ka lang net time sa mga walang kwentang bagay. Try mo na lang mag-research ng something intellectual. Para tumaas naman ng kaunti ang IQ level mo.

1 comments:

  1. ditto, bern! marami ngang ganyan sa facebook yung puro kayabangan lang, yung parang nang-iinggit ng ibang tao kahit minsan hindi naman kainggit-inggit ang mga pinopost nila.

    ReplyDelete