Thursday, December 01, 2011

December: Day 1

It's the first day of December. Bukas birthday ng bestfriend ko. She's gonna be thirty, flirty and thriving! Yey! Ito ang mga panahong nagbabalanse ang edad namin. Panahong patas kami sa edad. Ako kasi ang almost pinakamatanda ng buwan sa original dabarkads na aanim, pipito.

Nung bata ako masaya ako kapag December. Kasi ilang linggo na lang Christmas party na. Mahaba ang bakasyon sa school at higit sa lahat, maraming regalo at bagong damit. Christmas shopping with Tita Chedeng sa Megamall at siyempre nag-uumapaw ang kusina namin sa pagkain.

When I start celebrating Christmas, I look forward sa December kasi year end Pasalamat sa PNK, Year End Pasalamat sa Katandaan at anniversary ng Dako ng Redelma. Celebrations galore pa rin iyon na super exciting.

Ngayon, wala na ako sa Redelma, hindi na ako MT ng PNK. Maysakit na si Lola at hindi na niya kayang magluto ng pagkain. Hindi na ako bata kaya wala na akong natatanggap na regalo. Ako na ngayon ang magreregalo. Hay!

Maraming nagbago sa ika-30th December of my life. Pero looking forward ako kasi this is the first December I am gonna spend with my new family and with my husband. That is something to be really thankful for. And for all it's worth, andiyan pa rin naman ang dabarkads na aanim, pipito. Dumami pa nga kami kasi nadagdagan na ng mga cute na chikiting. Sana ako rin makapag-contribute na sa magagandang lahi in the months to come. Hehehe!

At siyempre, eeksena pa rin ako sa Redelma, sa ayaw at sa gusto nila. Pati na rin sa Pasalamat ng PNK. Once a PNK, always a PNK by heart. Motto namin yan ng bestfriend ko.

Looking forward to the coming year. Maraming pagsubok ang taon na ito. Hope to move forward with the grace and blessings of God. Happy December!

0 comments:

Post a Comment