Friday, March 03, 2017

Expired na Hopia

Photos from http://www.taguig.gov.ph/tourism/food/
Expiration Date. Ito yung date na nakatatak sa gilid, likod, or ilalim ng mga de-lata, tinapay, cake, juice, noodles, at iba pang pagkain. Ito yung date na nagsasabi kung hanggang kailan mo na lang pwedeng makonsumo ang isang pagkain. Deadline kung baga.

Sabi nila kapag kumain ka raw ng pagkain na lampas na sa expiry date maaaring masira ang tiyan mo, magtae, maagsuka, at kung anu-ano pa. Sabi naman nila, hindi naman daw totoo ang expiration date. Nilalagay lang daw iyon para magsilbing babala. Pero ang totoo, pwede pang tumagal ng ilang araw, linggo, o buwan ang mga pagkaing lampas na sa expiration date. Hangga't walang amag pwede pa. Hangga't walang kakaibang lasa, push lang.

Hindi naman ako patay-gutom pero kumakain ako ng mga pagkaing lagpas na sa expiration date. Expired na pancit canton, expired na noodles, expired na cake, expired na hopia. Iyong mga pagkaing naiiwan sa ref o sa cabinet na nakakahinayang namang itapon. So far, buhay pa naman ako hanggang ngayon. Kaya posible nga sigurong totoong kathang-isip lang ang expiration date.

Pero ang expiration date ba ay wakas or simula? Wakas ng kasariwaan o kasarapan ng pagkain at simula naman ng buhay ng mga organismong nabubuhay lamang sa ganitong uri ng kasawian.

Pagkain lang ba ang may expiration date? Eh, ikaw at ako, meron din ba?

Tuesday, January 12, 2016

MacBook Air 'To! Wag Kang Ano!

Okay. First blog ko ito ngayong 2016 and I'm using a Macbook Air! Yown! Dream come true run. Medyo short lived dream nga lang kasi hindi naman sa akin itong Macbook na ito. Pero alam mo iyong feeling of destiny? Iyong parang itinadhana kayo sa isa't isa? Iyong parang sa unang pagkikita pa lang ay may connection na agad? May namumuong pagkakaintindihan at sense of comfortability na hindi maipaliwanag? Ganun ang pakiramdam.

Sukat na sukat ang mga daliri ko. Bawat tipa, bawat haplos, bawat scroll...tadhana!

I know I sound like a romance novel writer but...hell! I am a writer and I am a romantic! Hindi nga lang professionally but that it something I must work on. Gusto kong picturan ang sarili ko habang nagbablog pero mag-isa lang naman kasi ako dito sa kwarto. Gusto kong magselfie gamit ang Macbook na ito pero hindi pa kasi ako nakakaligo.

Siguro premonition ito. Or anong tawag dun...siyet! Nakalimutan ko na. Basta! Isang pangitain ito of better things to come. Of more dreams coming true. Of more wishes being granted. Of blessings, opportunities, adventures, memories, love, happiness, success, and never ending wonderful things that would come. I would like to think it that way. I would like to open this year having that vision.

After all, we are born that way. Kaya nga siguro ang tao walang sense of contentment. We never seem to be satisfied with what we have, of where we are right now. Because we are built to dream. We are built to visualize, feel, innovate, develop, revolutionize...evolve. Yes, we are made to evolve into something more beautiful.

Dream big. Dream high. Dream good. Dream with you heart. Dream with kindness and love. Dream with compassion. Dream with hope. Dream with faith. Dream of good things and not bad. Dream of love and not hate. Dream of kindness and not evil. Dream of courage and not fear. Dream to create and not to destroy. Dream generously. Dream of giving and not greed. Dream of doing good things for others and not for yourself.

We are built to dream. Dream on!

Monday, June 09, 2014

Night Shit

Isang gabi na naman. Tatlong gabi pa ang kailangang bunuin. Mabuti na rin kesa nganga. Mabuti na rin kesa nag-aantay sa wala. Anong ganap sa akin ngayon? Well, mula sa pagiging isang glorified chatmate in the mask of online English teacher, isa naman akong glorified laborer. 

Nasa BPO industry na kasi ako. Aaminin ko, I am now officially one of them. Yung mga taong gising sa gabi at tulog sa umaga. Well, kung iisipin glorified factory worker talaga ang peg. Noon pa naman kasi uso ang night shift na yan. Noong mga panahong nagsisimula pa lang ang industriyalisasyon. Dahil ang mga pabrikang gumagawa ng mga produkto 24 hours din ang operasyon. May first shift, second shift at night shift din. May quota rin. Paramihan ng mababalot na kendi per hour or per day. At nasa minimum lang din ang sweldo. Umaasa sa overtime at double shift para sa mas malaking sahod.

Fast forward sa kasalukuyan. Di tulad dati, nasa aircon na opisina na ang venue ng mga laborer. Hindi na sa mainit at maingay na factory. High standard na rin kasi college level or college graduate na ang qualification. Dapat din maboka lalo na sa Ingles. With pleasing personality rin. Pero ang trabaho, di man mano-mano, ganun pa rin. May kota kada oras. Paramihan ng kliyenteng mapapasaya. GRO lang din ang peg?

Where has capitalism take us? Di naman ako aktibista. Di rin ako komunista. Gusto ko lang maintindihan ang kultura ng mga BPO working class. Bakit sila ganun magsalita, kumilos at mag-isip? Ano na bang goals nila in life bukod sa maging TL or OM in the future, makabili ng kotse, makabili ng gadget, makapagtravel? Ano pa kaya? Iyong hindi self serving? Iyong tipong may effort naman para makadagdag ng kabutihan sa mundo? 

Hindi ko naman nilalahat ha. Kadalasan lang kasi ganito ang napapansin ko sa kanila. Hindi ko alam kung dulot ba ito ng sobrang Facebook, o dahil kulang sila sa tulog, o nasobrahan sa Starbucks, o dahil nalamigan ng aircon...ano nga kaya? Sadya ba talagang matindi na ang kahirapan sa mundo? O naging tamad na lang tayo mangarap? Mas pinili ang shortcut na daan papunta sa isang karera na nung bata tayo eh hindi naman talaga nag-e-exist pa? Either that or pumasok na lang sa bahay ni Kuya?

Sana wag naman mabura ang pangarap. Sana hindi naman natatapos ang pangarap sa pagkakaroon lang ng Ipad o latest model ng Samsung S series. Maganda ang buhangin sa Boracay lalo na sa station 1. Pero ang bakas ng paang itinapak mo sa buhangin na iyan ay aanurin rin ng susunod na alon. Sana pagkatapos ng alon, alam mo ulit kung saan mo susunod na itatapak ang iyong mga paa. Iyong makapag-iiwan ka rin ng bakas pero hindi nabubura. Iyong bakas na hindi malilimutan kasi tumatak. Hindi sa buhangin kundi sa puso. Iyong bakas na hindi kailangan ng selfie at hashtag para maramdaman.

Thursday, April 10, 2014

Birthday Wishlist 2014

Taun-taon ginagawa ko ito. In fairness, may natutupad naman sa kanila kahit paano.

1. New pair of eyeglasses
2. Out of town or out of the country vacation for me and Pangsie
3. Original kipling na bag or wallet
4. Driver's license
5. PRC license
6. Madagdagan ng title sa pangalan ko.
7. Pocket wifi
8. Original na Nike or Adidas rubber shoes
9. Original na Swatch
10. Newly published book for Breanna De Leon
11. Nissan Urvan o maski Toyota Wigo lang
12. Samsung S5 or Latest na Iphone
13. Macbook Pro
14. New dress
15. New pair of stillettos
16. UP Jacket
17. New set of branded make-up (foundation, BB cream, eyeliner, mascara, blush and lipstick)
18. Rebond and hair color
19. Bagong organ para kay Pangsie
20. Starbucks thermal mug or tumbler

Monday, April 07, 2014

A Tapang A Tao Ver. 2014

Hindi ba matapang ka? Hindi ba matigas ka? Hindi ba wala kang inuurungan? Di ba nga ikaw iyong taong habang hinahamon lalong tumatapang? Hindi ba ikaw iyong taong kapag chinallenge, higit pa sa pinaka ang kayang ibigay? Hindi ba ikaw iyong taong handang gawin ang lahat?

Anyare sa iyo ngayon? Anyare bakit sa kaunting hirap suko ka na agad? Anyare sa iyo bakit nabahag ang buntot mo? Anyare bakit gusto mo na agad kumaripas ng takbo?

Ewan ko nga ba. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Heto na naman at naghahanap na naman ng dahilan para sumuko. Para umurong. Ito yata ang naging epekto sa akin ng mga taong nakasalamuha ko sa dating mundo. They taught me to play safe. To shy away from challenges. To be afraid of failures. To fear my own shadow.

Bagsak sa lupa ang self-esteem ko. Nagkabasag-basag. I thought I was good. Or so I thought. But I wasn't. I was just merely projecting. 

Merely projecting? Eh di ba ganun naman talaga? Nakalimutan mo na ba na sa buhay na ito acting lang ang lahat. Ang buhay itong malaking stageplay kung saan dapat magaling kang umarte. Hindi dapat mahalata na nakalimutan mo ang script. Walang take two. Hindi pwedeng mag-cut at lalong walang short cut. Hindi ka pwedeng magwalk out. Kailangan matapos mo ang lahat ng act hanggang finale. Hanggang curtain call. Dapat marami kang baong adlib para walang dead air kapag nakalimutan mo linya mo. Dapat din may stage presence. Dapat rin tama ang blocking mo. Alam mo kung saan ka pupwesto at lulugar. Tama rin dapat ang timing para alam mo kung kailan ka papasok at lalabas. Hindi pwedeng bira na lang ng bira. Dapat din big movements. Dahil hindi makikita ng audience ang maliliit mong mga galaw. You should make sure that when you take your final bow, standing ovation ang lahat sa performance mo.

Kaya sige na...lights, camera, action!

Saturday, March 29, 2014

Restart

Nabasa ko yung blog nung isa kong dating officemate. Ex-employee na rin pala siya nang kompanyang dati kong pinasukan. Natawa ako sa title ng blog niya. Something like pushing the reset button. Perfect description. I can relate to that dahil parang ganun din ang pinagdadaanan ko nang pumasok ang taong ito.

Totoo iyong mabigat na pakiramdam ng pag-alis. Kagaya niya, almost seven years rin akong namalagi sa kompanyang iyon. And yes, it was indeede a love-hate relationship. Unang kompanya yun na pinasukan ko after graduating from college. Ang daming firsts na nangyari sa akin dun. First sweldo, first gimik, first bisyo, at first tikim sa lupit at stress ng corporate world. Memorable sa akin lahat ng iyon. Kaya naman talagang may sentimental value sa akin ang kompanyang iyon. Dangan nga lamang sadyang idealistiko ako ng mga panahon na iyon. Agresibo at mapusok palibhasa kasi I was still on my 20's that time. Matapang pa at malakas ang loob.

I got burned out kaya nagdecide akong umalis. I was looking for growth. Yes, aaminin oo na. Financial growth. Masyado kasi akong nadala sa trend ng quarterlife crisis noon na you have to have career growth. Sa madaling salita, ambisyosa lang ang peg. Tigas-tigasan ang ulo. Kahit pa may mga tao nang nagbigay sa akin noon ng makabuluhang advice, hindi ko pinansin.

So there, I got into this new company. Sa umpisa masaya. Siyempre, the benefits of having a higher compensation increased my level of happiness. Kahit paano nakamoveforward ako sa buhay ko. Pero kagaya nga ng sabi sa akin ng isang kaibigan ko, walang perpektong kompanya. Meron at merong bagay rito na hindi aayon sa inaasahan mo. And yes, this company has it. Minsan hindi ko tuloy maiwassng pagkumparahin sila ni Company 1. Kasi naman nasa parehong industriya sila pero magkaibang-magkaiba ang direksyon nila.

Yes, may mga pagkakataon na nakaramdam ako ng pagsisisi. Bakit ba kasi masyado akong mapride at ambisyosa? Minsan ka nang sinabihan na nasa kama ka na, lumipat ka pa sa banig. Pero hindi ko naman na kasi maibabalik ang lahat. Iniisip ko na lang na may dahilan ang lahat. Si Company 1 binigyan ako ng kahat ng kaalaman tungkol sa industriyang pinanggalingan ko. Hindi ko maikakailang ang malawak na kaalaman st karanasang taglay ko ngayon ay dahil sa paghubog nila sa kakayahan ko. Kaya naman tinatanaw ko pa ring malaking utang na loob ko sa kanila ang mga natutunan ko. Si Company 2 naman ang nagpatibay sa akin. Si Company 2 ang nagpamature sa akin as a person. Kahit pa nawala ako sa linya ng karera ko dahil sa samu't saring duties and responsibilities ko dun, nahubog naman ang pagkatao ko. Naranasan ko ang pinakamababa hanggang pinakamataas na uri ng trabaho. 

Siguro ang masasabing naging downfall ko lang ay ang kayabangan ko. I thought I knew everything at masyado akong nanangan sa kaalamang iyon. That became a setback kasi instead of moving forward and growing up, I was actually stepping backward and shrinking myself in inside a box.

Naging mahirap ulit para sa akin na iwan si Company 2. Dahil pinilit kong ikahon ang sarili ko sa loob ng mahigit limang taon, naging takot ako sa maraming bagay. Matapang akong harapin ang politics and challenges na kinaharap ko inside Company 2. Pero hanggang dun lang iyon. Dahil wala pala akong idea kung anong meron sa labas nun. Masyado kong naituon ang lahat ng atensyon ko sa loob ng ginagalawan kong mundo kaya hindi ko na namamalayan that the world is actually bigger than that.

Nung magbalik eskwela ko, nagbukas muli ang pananaw ko. At talagang culture shocked ako. Panic attack dahil bigla kong narealize na siyet! Feelingera pala talaga ako. Ang yabang ko palang isipin na alam ko na ang lahat well, in fact, napakamangmang ko. Kinalawang na lahat ng areas na akala ko noon strength ko. Nakakatakot na malamang lahat sila ngayon weakness ko na.

I was brave enough to walk out that door again. At parang computer lang, nagreformat ako ng system.  Nakakabaliw pala! Alam mo iyong feeling na nagrestore to factory settings yung cellphone mo tapos nabura lahst ng contacts, settings, at apps mo? Iyong hassle na kailangang ibalik mo sila lahat para magamit mo nang maayos ang cellphone mo? Tapos nakakastress dahil hindi mo alam kung anong uunahin mong ayusin. Kung iyong contacts ba, yung apps, o yung settings? 

Ganun iyong pakiramdam ko ngayon. Para akong nireset nancellphone. Parang nagrestart ulit ang buong sistema ko at nag-uumpisa na naman akong muli. Ang difference lang, noon mas matapang ako. Wala pa kasi akong iniintindi at walang mga pananagutan. Pero ngayon marami na. Maraming obligasyon na dulot din naman ng sarili kong katangahan. Kaya agree ako kay Lourd De Veyra nang sabihin niyang nasa panahon na tayo ngayon na bawal ang maging tanga.

Push Mo Yan!

In fairness, nasurvive ko rin ang first week ko. Kahit pa gusto kong umiyak sa takbo ng mga pangyayari. Medyo nakakapa ko na ng kaunti kung anong gagawin ko. Pero hindi ko pa rin masasabing nasasanay na ako. Bagong mundo pa rin. Ibang-iba. Hindi ko pa masabi kung madali lang o hindi. May moments kasi na nakakabobo.

Basta ang alam ko, sablay pa rin ako sa pronunciation. Balentong pa rin ang tono ng English ko. At hindi ko maiwasan ang mainggit sa mga katabi ko dahil fluid at masarap sa pandinig ang accent nila. Nahihiya tuloy ako minsan ilakas ang boses ko dahil alam kong mali-mali ang pagsasalita ko. And yet, nung bata ako pakiramdam ko ang galing ko sa English. Pero feelingera nga lang pala talaga ako.

Natatawa pa nga ako kasi sabi nila mahirap daw yung recommendation kaya kailangang maghanda ng template. Iyon nga ang madaling part at dun ako maraming nasasabi. Pwede bang mag-chat na lang kami ng mga students ko?

Hindi ko alam kung hanggang saan ang keri ng powers ko. Next week baka matanggal na ang immunity ko at pasukan na ako ng QA at complaint. Baka ligwak ang abutin ko ng super bongganess. Well, sana lang kung maliligwak ako eh makabwelo muna ko sa mga gastusin.

Medyo nasasany na ako sa oras ng pasok. Buti na lang madali iyon for me dahil kung sobrang ngarag pati ang pagpasok ko eh siguro magwawala na talaga ako. Kailangan ko na lang sanayin ang dila kong baluktot. Konting push pa. Wag lang kanal ang kasadlakan.

Thursday, March 27, 2014

Feelingera Kasi

Gusto kong umiyak. I have to write about it or else mababaliw ako. Noong mag-resign ako sa dati kong work, malakas ang loob kong sabihin na makakahanap din ako ng ibang work. Pwede naman akong mag-call center o kaya mag-online English teacher. I spent the majority of my 13th month pay in paying for TESOL. Para sana gumanda ang resume ko at dagdag pogi points para sa online teaching job.

Pakiramdam ko kayang-kaya ko kasi alam ko sa sarili ko marunong naman akong mag-English. In the middle of my TESOL course, gusto ko ng mag-quit. Ang reklamo ko nun kay Pangsie, kasi parang wala naman ako natutunan at pinerahan lang kami. I was so disappointed with how the course turned out then. Pero nanghinayang din ako sa 18,000 na ibinayad ko kung titigil ako ng wala man lang akong nakukuhang certificate. And so I decided to finish the course and got my certificate. Kung tutuusin hindi ko pa talaga tapos kasi hindi pa ako nakakapagpasa ng reaction paper at research. Pero that's the least of my priority now.

Before 2013 ends, nag-enroll din ako sa UP to take up Units of Education. Nakumbinsi ako ni Tita at nung isang officemate ko na mag-LET na lang kasi mas stable na trabaho naman daw ang pagiging teacher. Go naman ako. Feeling ko na naman kaya ko. Hindi naman ako nag-quit dahil natapos ko naman ang semester. Pero malakas ang pakiramdam ko na hindi ganun kaganda ang magiging grades ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ganun kaganda ang performance ko sa school.

Again, feelingera na naman ako. Matalino naman ako at magaling nung college. Kaya kaya ko yan. Pero huwag ka, halos dumugo ang utak ko sa dalawang subjects na kinuha ko. Yes. Dalawang subject pa lang iyon pero nagrerebelde na ang mga brain cells ko. Doon sa point na iyon kinuwestiyon ko ang sarili ko. Akala ko ba matalino ka? Akala ko ba magaling kang magsulat at forte mo ang pagsusulat? Eh bakit puro sabaw ang mga papers mo?

Hindi pa dun natapos ang pagpifeeling ko. Nag-apply ako for online teaching. Since patapos na naman ang semester, ano kaya kung wag na muna akong mag-enroll for summer classes at magtrabaho muna ako? Kailangan na rin namin ng additional anda dahil medyo hirap na rin sa mga bayarin. Natuwa naman ako ng pumasa ako sa interview at na-endorse for training sa isang online teaching company sa Ortigas. Affiliate raw sila ng isang kilalang English academy sa South Korea.

So go! Magtuturo lang naman ng English. Kaya ko iyon. Ayun first day ng training. Confident pa ang lola mo. Nang magpractice class, okey pa rin. Hindi pa lang ako sanay. Nang magdemo class na, kabado pero kumpiyansa pa rin. Dalawang demo class daw ang dapat ipasa pero lumigwak ako sa isa. Redemo raw ulit.

Panatag pa rin ang lola mo kasi feeling ko, maarter lang ang Koreanang nagligwak sa akin. Pasado na ako sa redemo. Meaning I move on to the next part of the training at tapos na raw ang ligwakan. Naawa pa ako nun sa kasamahan kong naligwak dahil naikwento na niya ang teleserye ng buhay niya at kung gaano niya talaga kailangan ng trabaho.

Palya-palya na pasok ko sa school nun kasi nga, gusto ko makumpleto training. Maliban lang sa dalawang araw na nag-half day lang ako dahil may report at final exam. Todo pa rin ako sa pagkafeelingera. Hanggang sa sunud-sunod na ang ligwak ko. Dalawang demo ang niligwakan ko at isang redemo na lang ang ibinigay sa akin or else tsugi na raw ako.

Stressed ang lola. Gusto ko na naman sumuko. Kaya lang sabi ng trainor ko, kung ako ang mag-quit, hindi na babayaran yung training days ko. Pero kung sila ang magligwak sa akin, pasok sa banga pa rin ang payola. Edi stay na ako. Sayang naman din kasi iyong mga in-absent ko sa school tapos waley lang din pala ako mapapala. At least kung ligwakin man nila ako, may payola pa rin.

Gusto ko nang sumuko nun. Kasi pronunciation at accent na ang pinag-usapan. Iyon pa naman ang weakness ko. At kagaya ng lagi kong defense mechanism, I found faults in the system again. Nagrebelde na naman ang utak ko. Bakit kasi parang de-metro ituring ang mga online teachers. Bakit ang taas ng expectations eh hindi naman ganun kataas ang pay? Bakit kinocommercialize naman masyado ang education? Education loses it value because teachers are being exploited and degraded in a level that they are just mere workers who needs to deliver within a quota.

Pero sige, go pa rin. Datung ang kailangan so tigilan na muna ang makaaktibistang sentimyento. Wala naman akong magagawa sa ganung kalakaran. Kaya eto. Kahapon first day ko na. Yes, pumasa ako sa training. Kahit naisip ko nang iligwak yun para makawala na, naipasa ko pa rin.

Kumusta ang first day? Edi feelingera na naman. Feeling ko dahil naipasa ko na ang final demo ay keri ko na sa floor. But no! Lima pa lang ang klase ko kahapon, ngarag na ngarag na ako. Ngayon gusto ko na namang magresign. Nagpaalam na ako kay Pangsie at sa mga tao rito na aantayin ko lang ang sweldo at aalis na ako.

Bakit ba kasi masyado akongg feelingera? Sino ba kasi ako sa akala ko? Ngayon naguguluhan ako at nag-aalala dahil kapag nag-quit na naman ako, hirap na naman sa mga bayarin. Naiistress naman ako sa maaaring kahantungan ng lahat lalo na kapag nagfull blast na ang schedule ng klsse ko. Sani nila 50 mahigit ang nagiging estudyante ng mga teachers dun sa isang araw. Kakayanin ko ba yun?

Sabi naman nila sa umpisa lang naman daw mahirap pero kapag nasanay ka na, madali na. Gusto kong paniwalaan ang advice na ito. Pero natatakot din ako baka feeligera na naman ako. Ano bang gagawin ko?